Miyerkules, Marso 1, 2017

Ang Edukasyon sa Pilipinas

Ang Edukasyon sa Pilipinas

Bilang isang mag-aaral, tinalakay namin sa Araling Panlipunan ang tungkol sa mga isyu sa edukasyon dito sa Pilipinas. Sa aming napag-aralan, masasabi kong kawawa ang ating bansa, sapagkat kahit gaano pa katapat ang nangunguna o ang pangulo ng ating bansa, kung ang mismong pamahalaan o mga opisyales nito ay kahit anong gawin ay hindi pa rin nagtitino bagkus ay patuloy na ginagawa ang kalikuan para lamang sa kanilang sarili ay hindi uunlad ang ating bansa. nakakalungkot na sabihin na napakalabo na na maging matuwid lahat ng tao lalo na sa pamahalaan dahil sa perang kanilang natatanggap para sa kanilang sariling kapakanan.

Isa sa problema ng ating mahal na bansa ay ang edukasyon na siyang dapat na pinakaunang prayoridad lalo na sa mga kabataan nang sa gayon magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kabataan at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa, tulad nga ng sabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, " Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan". Ngunit kung ang edukasyon ng isang kabataan ay nahahadlangan, malamang sa malamang ay hindi ito magiging matagumpay sa kaniyang pamumuhay.

Ang Department of Education o DepEd ay may misyon, ito ay ang mga sumusunod;

To protect and promote the right of every Filipino to quality, equitable, culture -based , and complete basic education where

  • Students learn in a child-friendly, gender-sensitive, safe, ad motivating environment.
  • Teachers facilitate learning and constantly nurture every learner.
  • Administrators and staff, as stewards of the institution, ensure an enabling and supportive environment for effective learning to happen.
  • Family, community, and other stakeholders are actively engaged and share responsibility for developing lifelong learners.
Ito ang misyon ng DepEd, ang tanong, natutupad ba nila ito? 

Sa libro naming may pamagat na "KAYAMANAN" MGA KONTEMPORARYONG ISYU, ang una nilang nilagay ay ang mga isyu tungkol sa sistemang edukasyon at hinuli ang ilang mga programa sa paglutas ng mga isyu sa edukasyon. Sa aking opinyon, kaya nila ginawa ito upang maging positibo ang kalalabasan. Ngunit ang dapat dito ay inuna ang mga programa at hinuli ang mga isyu, sapagkat sa kabila ng mga programang kanilang inilulunsad, ang isyu sa edukasyon ay hindi pa rin nawawala. kaya, sa aking blog, uunahin ko muna ang mga programang inilunsad ng pamahalaan. Ito ay ang mga sumusunod:

Pagbabago ng kurikulum

Mula noong 2012 pinairal ang K to 12 Basic Education Program sa ating bansa. Ang dating sampung taong Basic Education noon (anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul) ay nadagdagan ng kindergarten at dalawang taon sa hayskul. Ang karagdagang dalawang taon ay tinatawag na senior high school. Mula baitang 1 hanggang 12 ang tawag sa 12 taon pag-aaral sa sistemang K to 12 Basic Education o Enhanced Basic Education. Naging 12 taon ng pag-aaral bago pumasok sa kolehiyo ang mag-aaral sa halip sa 10 taon lamang.

Pagsasakatuparan ng Edukasyon para sa lahat o Education for All (EFA)

Ang Philippine Education Plan at nilikha upang mapabuti ang sistema ng ating edukasyon. Kinikilala ng programang ito ang karapatan ng bawat bata at matanda na magkaroon ng sapat na edukasyon upang matugunan ang kaniyang Basic Learning Needs (BLNs), kabilang na ang kabuuang paglinang ng kaniyang personalidad.

Pagtataguyod ng cyber education project

Nagkakaloob ng edukasyon sa lahat ng sulok ng bansa sa pamamagitang ng teknolohiyang satelite na nag-uugnay sa lahat ng mga opisina ng DepEd at mga pampublikong paaralan. Gumagamit ito ng hi-technology multimedia sa pagtuturo. Naaabot ang mga kabataang hindi nakapag-aral sa tulong ng electronic multimedia technology. Higit pa rito, gumagamit ng teknolohiyang satelite upang mapag-ugnay-ugnay ang mga paaralan sa totoong oras at nang sa gayon ay magawang standardized ang nilalaman at proseso ng pag-aaral. 

Ito ang ilang mga programang inilunsad ng pamahalaan para malutas ang mga isyu sa edukasyon, ngayon, ito naman ang lahat ng mga isyu tungkol sa sistema ng edukasyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas. Ito ay ang mga susmusnod:

Mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa

Kakulangan ng mga tamang bilangg at kwalipikado o mahuhusay na guro

Malaki rin ang epekto ng mga kwalipikasyon ng mga guro sa pagtuturo. Kung hindi nakapag-aral nang mabuti ang mga guro, mas mababa rin ang kalidad ng edukasyong makukuha ng mag-aaral. May mga guro sa pampublikong paaralan na tila kulang sa kaalaman at may mga nagtuturo sa mga pribadong paaraln na hindi pa pasado sa Professional Liscensure Examination for Teachers.

Mababang sahod ng mga guro

Dahil sa kakulangan ng pondo ng DepEd kaya maliit ang sinasahod na suweldo ng mga guro. Ang minimum na buwanang sahod ng guro (public school teacher with rank 1 teacher) ay P18,549.00 (o humigit kumulang sa USD412 para sa taong 2012. Marami na rin sa mga guro ang lumipat at nagtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang kanilang pangangailangan. May mga napabalitang namasukan ang iba bilang domestic helper o katulong sa ibang bansa.

Mababang kakayahan na mabayaran o affordability

Marami ang mga batang hindi makapag-aral dahil hindi matustusan ng kanilang magulang ang kanilang pag-aaral. Mas marami ang mga mag-aaral na mula sa mahihirap na pamilya lalo na sa elementary. Karaihan din sa mga freshmen na mag-aaral sa kolehiyo ay mula rin sa pamilyang may mahirap na pamumuhay.

Maliit ang budget ng pamahalaan para sa edukasyon

Ang Saligang Batas ng Pilipinas aty inatasan ang pamahalaan na maglaan ng pinakamataas na bahagi ng badyet nito sa edukasyon. Gayunpaman, ang Pilipinas pa rin ang isa sa may pinakamababang pondo o badyet sa edukasyon na kabilang sa mga bansang ASEAN at ibang bansa sa mundo.

Kakulangan ng pagkakataon upang makapag-aral

Kakulangan ng mga paaralan

Palaki nang palaki ang populasyon sa Pikipinas kaya't palaki nang palaki rin ang bilang ng mga mag-aaral. Nahihirapang punan ng pamahalaan ang kakulangan sa silid-aralan nito dahil sa kakulangan sa silid-aralan nito dahil sa kakulangan din ng pondo. Ayon sa DepEd, mahigit sa 152,000 ang kulang na silid-aralan para sa taong 2012. Mayroon lamang itong pondo para sa 13,000 silid-aralan.

Kakulangan ng mga aklat at kagamitan sa paaralan

Kulang din ang mga kagamitan ng mga paaralan. Kulang ng mga akalat sa mga silid-aklatan ma magagamit ng mga mag-aaral sa pagsasaliksik ng mga impormasyon at karagdagang kaalaman. Ayon sa DepEd, nangangailangan pa rin ng 96 milyon na textbook ang mga pampublikong paaralan. Hindi matutugunan ng mga paaralan ang pagbibigay ng isang aklat sa baat mag-aaral sa bawat asignatura. Kulang ang mga maayos naupuan. Ayon sa DepEd, mahigit sa 13 milyon ang kulang na upuan. Mayy mga paaralan na walang kompyuter. Tinatayang 135,000 ang kulang na palikuran at 62% ng mga paaralan ang hindi matugunan ang pangangailangan sa palikuran.

Kakulangan sa bilang ng mga guro

Ayon sa pag-aaral, mas matututo ang mag-aaral kung nagagabayan sila ng husto ng guro. Kung marami ang mag-aaral sa isang silid-aralan, hindi sila gaanong matuturuan. Sa mga pampublikong paaralan sa ating bansa, may mga gurong may hawak na 50 hanggang 70 mag-aaral. Ang mga nasa pribadong paralan ay may hawak na 30 hanggang 50 mag-aaral.

Paghinto sa pag-aaral o drop-out ng mga mag-aaral sa paaralan

Patuloy na ang paghinto ng maraming mag-aaral sa pagpasok sa paaralan. Iba't iba ang maga dahilan nila. May mga mag-aaral na humihinto sa pag-aaral dahil sa walang pantustos sa gastusin ang mga magulang. Ang iba ay dahil sa malayo ang maga paaralan sa kanilang lugar. Sa ibang liblib na lugar, may mga batang hindi nakapag0aral dahil walang guro at paaralan.

Ito ang tunay na estado ng edukasyon sa ating bansa. Kung titigilan lang ng gobyerno ang pangungurakot sa kaban ng bayan ay magiging matiwasay ang buhay ng lahat. Nagkaroon ng isang panayam ni pinanayam ang kinatawan ng DepEd, ang sabi nila ay may pondo naman ang DepEd, ang malaking tanong ay bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ang mga problema sa edukasyon. 

Kaya, kung nabasa niyo ang blog na ito, ay tulong-tulong tayo na palaguin ang ating bansa sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, balang araw, magiging maganda ang ting kinabukasan att kung dumating ang tagpo na tayo ay manunungkulan tayo sa pamahalaan, huwag na huwag sumagi sa isipan natin na magbulsa ng pera sa kaban na bayan, nang sa gayon, madagdagan ang mga tapat na opisyales ng pamahalaan at mabawasan ang tiwali.




8 komento:

  1. May kalidad bang matuto ang isang estudyante kapag umabot sila ng 40 na tao sa isang silid?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa palagay ko maaring matuto ang mga estudyante kapag umabot sila sa 40 na tao sa isang silid dahil nakakadepende kasi ito sa guro Kung nakukuha niya ang antensyon ng kanyang mga estudyante para matuto at pati narin sa mga estudyante na kung saan interesado silang matuto... Dahil kami sa silid namin ay higit sa 50 na estudyante at halos kami ay mga honor students.

      Burahin
  2. Ano-ano ba ang mga paraan para malutas ang isyu ng kalidad ng edukasyon at paano ito makakaapekto?

    TumugonBurahin
  3. Nais ko po sanang magkaroon ng scholarship sa aking pag pasok ng seniorhigh SY2019-2010

    TumugonBurahin
  4. ano ang mga isyung pang edukasyong konektado sa access sa edukasyon???

    TumugonBurahin
  5. Mulituba,Norhata D.

    1.Bakit kailangan nating mahasa ang kakayahan sa pag unawa sa mga impormasyon o detalye?

    > Mahalaga talagang mahasa ang ating kakayahan sa pag unawa ng mga impormasyon upang sa gayon ay mas madali natin maiitindihan kung ano ba ito? Para saan to? O hindi dapat ito pinapakilaman.

    2. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na tagapagbasa/tagabasa?

    > Ang mambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi ng pangungusap. Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Sa paghinto ng mata, ang mga anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulogan ng isipan.

    3. Bilang isang kabataan at mag aaral, masasabi mo bang maayos ang kalagayan ngayon ng edukasyon sa pilipinas? Ilahad ang iyong pagsusuri at opinyon.

    > Mga kabataan ang mga isyu sa edukasyon dito sa Araling Panlipunan ang tungkol sa mga pamahalaan o mga opisyales nito. Sa aming napag-aralan, masasabi kong kawawa ang ating bansa, sapagkat kahit gaano pa katapat ang nangunguna o ang pangulo. Kung anong gawin ay hindi pa rin nagtitino bagkus, patuloy na ginagawa ang kalikuan para lamang sa kanilang sarili. Dr. Jose Rizal, " Ang kabtaan ang pag-asa ng Bayan" siyang dapat na pinakaunang prayoridad lalo na sa araw na magkaroon ng magandang kinabukasan.


    TumugonBurahin
  6. Betway for D.C. | Shop for D.C. | Titanium Art
    Discover the unique betway logo and unique colorway for D.C. titanium granite countertops and other D.C. schick quattro titanium brands in digital titanium grey printing and in gr5 titanium digital production. raw titanium

    TumugonBurahin